Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 35:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Habang naninirahan si Israel sa lupaing iyon, sinipingan ni Ruben si Bilha na pangalawahing asawa ng ama niya, at nalaman ni Israel ang tungkol dito.+

      Si Jacob ay nagkaroon ng 12 anak na lalaki.

  • Genesis 37:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Sinabi pa ni Ruben: “Huwag kayong papatay.+ Itapon ninyo siya sa balon sa ilang pero huwag ninyo siyang sasaktan.”*+ Dahil gusto niya siyang iligtas para maiuwi sa ama niya.

  • Genesis 49:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 “Ruben,+ ikaw ang panganay ko,+ ang aking sigla at ang pasimula ng kakayahan kong magkaanak; nakahihigit ka pagdating sa dangal at lakas. 4 Pero hindi na ngayon, dahil naging mapusok kang gaya ng nagngangalit na tubig, dahil sumampa ka sa higaan ng iyong ama.+ Dinumhan* mo noon ang higaan ko. Talagang sumampa siya roon!

  • Exodo 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Ito ang mga ulo ng sambahayan ng mga ama nila: Ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel,+ ay sina Hanok, Palu, Hezron, at Carmi.+ Ito ang mga pamilya ni Ruben.

  • 1 Cronica 5:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Ito ang mga anak ni Ruben+ na panganay ni Israel. Siya ang panganay, pero dahil dinungisan* niya ang higaan ng ama niya,+ ang karapatan niya sa pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose+ na anak ni Israel, kaya hindi siya itinala sa talaangkanan para sa karapatan sa pagkapanganay.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share