Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 17:14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 “Kapag pumasok na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova at nakuha na ninyo ito at nakatira na rito at sinabi ninyo, ‘Mag-atas tayo ng hari na mamamahala sa atin gaya ng lahat ng bansa sa palibot natin,’+ 15 tiyakin ninyo na ang aatasan ninyong hari ay ang pinili ng Diyos ninyong si Jehova.+ Mag-atas kayo ng hari mula sa mga kapatid ninyo. Hindi ninyo puwedeng atasan bilang hari ang isang dayuhan na hindi ninyo kapatid.

  • 1 Samuel 10:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Pero ngayon, itinakwil ninyo ang inyong Diyos+ na Tagapagligtas ninyo mula sa lahat ng kapahamakan at paghihirap, at sinabi ninyo: “Basta! Bigyan mo kami ng isang hari.” Ngayon, humarap kayo kay Jehova ayon sa inyong mga tribo at ayon sa inyong mga angkan.’”*

  • 1 Cronica 1:43-50
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 43 Ito ang mga haring namahala sa lupain ng Edom+ bago nagkaroon ng hari ang mga Israelita:+ si Bela na anak ni Beor; ang pangalan ng lunsod niya ay Dinhaba. 44 Nang mamatay si Bela, si Jobab na anak ni Zera na mula sa Bozra+ ang namahala kapalit niya. 45 Nang mamatay si Jobab, si Husam na mula sa lupain ng mga Temanita ang namahala kapalit niya. 46 Nang mamatay si Husam, ang anak ni Bedad na si Hadad, na tumalo sa Midian sa teritoryo ng Moab, ang namahala kapalit niya. Ang pangalan ng lunsod niya ay Avit. 47 Nang mamatay si Hadad, si Samla na mula sa Masreka ang namahala kapalit niya. 48 Nang mamatay si Samla, si Shaul na mula sa Rehobot na nasa tabi ng Ilog ang namahala kapalit niya. 49 Nang mamatay si Shaul, si Baal-hanan na anak ni Acbor ang namahala kapalit niya. 50 Nang mamatay si Baal-hanan, si Hadad ang namahala kapalit niya. Ang pangalan ng lunsod niya ay Pau, at ang asawa niya ay si Mehetabel na anak na babae ni Matred na anak na babae ni Mezahab.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share