-
Genesis 22:15-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Sa ikalawang pagkakataon, si Abraham ay tinawag ng anghel ni Jehova mula sa langit, 16 at sinabi nito: “‘Ipinanunumpa ko ang sarili ko,’ ang sabi ni Jehova,+ ‘na dahil ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait ang iyong kaisa-isang anak,+ 17 tiyak na pagpapalain kita at tiyak na pararamihin ko ang supling* mo gaya ng mga bituin sa langit at gaya ng mga butil ng buhangin sa baybayin ng dagat,+ at kukunin ng iyong supling* ang mga lunsod* ng mga kaaway niya.+
-
-
Genesis 35:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 Sinabi ng Diyos: “Jacob ang pangalan mo.+ Hindi ka na tatawaging Jacob; Israel na ang magiging pangalan mo.” Mula noon, tinawag na niya itong Israel.+ 11 Sinabi pa ng Diyos: “Ako ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.+ Magpalaanakin ka at magpakarami. Pagmumulan ka ng mga bansa,* oo, ng maraming bansa,+ at pagmumulan ka ng* mga hari.+
-