-
Bilang 32:20-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 Sumagot si Moises: “Gawin muna ninyo ito: Maghanda kayo sa harap ni Jehova para sa digmaan;+ 21 at kung kayong lahat ay maghahanda sa pakikipagdigma at tatawid sa Jordan sa harap ni Jehova habang itinataboy niya ang mga kaaway niya+ 22 hanggang sa ang lupain ay masakop sa harap ni Jehova,+ makakauwi kayo+ at hindi kayo magkakasala kay Jehova at sa Israel. At ang lupaing ito ay magiging pag-aari ninyo sa harap ni Jehova.+
-
-
Josue 22:1-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 Pagkatapos, ipinatawag ni Josue ang mga Rubenita, mga Gadita, at ang kalahati ng tribo ni Manases 2 at sinabi sa kanila: “Ginawa ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova,+ at sinunod ninyo ang lahat ng iniutos ko sa inyo.+ 3 Hindi ninyo iniwan ang mga kapatid ninyo hanggang sa araw na ito;+ at sinunod ninyo ang utos ni Jehova na inyong Diyos.+ 4 Ngayon ay binigyan ni Jehova na inyong Diyos ng kapahingahan ang mga kapatid ninyo, gaya ng ipinangako niya sa kanila.+ Kaya ngayon ay makababalik na kayo sa inyong mga tolda sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova sa kabilang ibayo* ng Jordan.+
-