-
Bilang 21:23, 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
23 Pero hindi pumayag si Sihon na dumaan ang Israel sa teritoryo niya. Sa halip, tinipon ni Sihon ang kaniyang buong bayan at pumunta sa ilang para labanan ang Israel, at nakarating sila sa Jahaz at nakipaglaban sa Israel.+ 24 Pero natalo siya ng Israel gamit ang espada+ at kinuha ang kaniyang lupain+ mula sa Arnon+ hanggang sa Jabok,+ malapit sa mga Ammonita, dahil paglampas ng Jazer+ ay teritoryo na ng mga Ammonita.+
-
-
Bilang 21:33-35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
33 Pagkatapos, lumiko sila at dumaan sa Daan ng Basan. At si Og,+ na hari ng Basan, kasama ang buong hukbo niya ay nakipagdigma sa kanila sa Edrei.+ 34 Sinabi ni Jehova kay Moises: “Huwag kang matakot sa kaniya,+ dahil siya at ang buong bayan at lupain niya ay ibibigay ko sa iyo,+ at gagawin mo sa kaniya ang gaya ng ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amorita, na nakatira noon sa Hesbon.”+ 35 Kaya pinabagsak nila siya, pati ang kaniyang mga anak at ang buong bayan; walang natirang buháy sa bayan niya,+ at kinuha nila ang kaniyang lupain.+
-