-
Josue 10:11-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 Habang tumatakas sila sa mga Israelita at bumababa ng Bet-horon, nagpabagsak si Jehova ng malalaking tipak ng yelo* mula sa langit hanggang sa Azeka, at namatay sila. Sa katunayan, mas marami ang namatay sa pag-ulan ng yelo kaysa sa napatay ng mga Israelita sa pamamagitan ng espada.
12 Nang araw na iyon, kung kailan ibinigay ni Jehova ang mga Amorita sa kamay ng mga Israelita, sinabi ni Josue kay Jehova sa harap ng mga Israelita:
13 Kaya ang araw ay huminto at ang buwan ay hindi gumalaw hanggang sa makapaghiganti ang bansa sa mga kaaway nito. Hindi ba nakasulat ito sa aklat na Jasar?+ Ang araw ay huminto sa gitna ng langit at hindi lumubog sa loob ng halos isang araw. 14 Ngayon lang nangyari at hindi na naulit pa na nakinig si Jehova sa tinig ng tao+ sa ganoong paraan, dahil si Jehova ang nakikipaglaban para sa Israel.+
-