-
Josue 13:2-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 Ito pa ang lupaing natitira:+ ang lahat ng rehiyon ng mga Filisteo at ng lahat ng Gesurita+ 3 (mula sa sanga ng Nilo* na nasa silangan* ng Ehipto hanggang sa hangganan ng Ekron sa hilaga, na dating itinuturing na teritoryo ng mga Canaanita)+ kasama ang rehiyon ng limang panginoon ng mga Filisteo+—mga Gazita, mga Asdodita,+ mga Askelonita,+ mga Giteo,+ at mga Ekronita;+ ang rehiyon ng mga Avim+ 4 sa timog; ang buong lupain ng mga Canaanita; ang Meara, na pag-aari ng mga Sidonio,+ hanggang sa Apek, sa hangganan ng mga Amorita; 5 ang lupain ng mga Gebalita+ at ang buong silangan ng Lebanon, mula sa Baal-gad sa paanan ng Bundok Hermon hanggang sa Lebo-hamat;*+ 6 ang lahat ng nakatira sa mabundok na rehiyon mula sa Lebanon+ hanggang sa Misrepot-maim;+ at ang lahat ng Sidonio.+ Itataboy ko sila mula* sa harap ng mga Israelita.+ Ang gagawin mo lang ay hati-hatiin ang lupain para sa Israel bilang mana, gaya ng iniutos ko sa iyo.+
-