-
Levitico 26:14-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 “‘Pero kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi ninyo susundin ang lahat ng utos na ito,+ 15 at kung itatakwil ninyo ang mga batas ko,+ at kung hindi ninyo susundin ang lahat ng utos ko dahil kinamuhian ninyo ang aking mga hudisyal na pasiya, at kung hindi kayo tutupad sa aking tipan,+ 16 ito ang gagawin ko sa inyo: Bilang parusa, pipighatiin ko kayo at magkakaroon kayo ng tuberkulosis at nag-aapoy na lagnat, na magpapalabo ng mga mata ninyo at magpapahina sa inyo. Wala kayong mapapakinabangan sa inihasik ninyong binhi, dahil kakainin iyon ng inyong mga kaaway.+ 17 Itatakwil ko kayo, at matatalo kayo ng mga kaaway ninyo;+ at tatapak-tapakan kayo ng mga napopoot sa inyo,+ at tatakas kayo kahit wala namang tumutugis sa inyo.+
-
-
Deuteronomio 28:63Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
63 “At kung gustong-gusto noon ni Jehova na gawan kayo ng mabuti at paramihin kayo, gugustuhin naman ngayon ni Jehova na puksain kayo at lipulin; at itataboy kayo mula sa lupaing kukunin ninyo bilang pag-aari.
-