Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 28:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 “Pero kung hindi kayo makikinig sa tinig ng Diyos ninyong si Jehova at hindi ninyo susunding mabuti ang lahat ng utos at batas niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, mapapasainyo ang lahat ng sumpang ito:+

  • Deuteronomio 28:48
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 48 Isusugo ni Jehova laban sa inyo ang inyong mga kaaway, at paglilingkuran ninyo sila+ habang kayo ay gutom,+ uhaw, walang maisuot, at kapos sa lahat ng bagay. Maglalagay siya ng pamatok na bakal sa leeg ninyo hanggang sa malipol niya kayo.

  • Hukom 2:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Kaya lumagablab ang galit ni Jehova sa Israel, at ibinigay niya sila sa mga mandarambong at sinamsaman sila ng mga ito.+ Ibinigay* niya sila sa kamay ng mga kaaway sa palibot nila,+ at hindi na nila kayang labanan ang mga kaaway nila.+

  • Nehemias 9:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 “Pero kapag maayos na ulit ang kalagayan nila, gagawa na naman sila ng masama sa harap mo,+ at pababayaan mo silang matalo* ng mga kaaway nila.+ Pagkatapos, magbabalik-loob sila at hihingi ng tulong sa iyo,+ at diringgin mo sila mula sa langit at paulit-ulit mo silang ililigtas dahil napakamaawain mo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share