-
Bilang 10:29-32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
29 At sinabi ni Moises kay Hobab na anak ni Reuel*+ na Midianita, na biyenan ni Moises: “Papunta na kami sa lugar na ipinangako ni Jehova. Sinabi niya, ‘Ibibigay ko iyon sa inyo.’+ Sumama ka sa amin,+ at magiging mabuti kami sa iyo, dahil nangako si Jehova ng mabubuting bagay para sa Israel.”+ 30 Pero sumagot ito: “Hindi ako sasama. Babalik ako sa sarili kong lupain at mga kamag-anak.” 31 Kaya sinabi niya: “Pakiusap, huwag mo kaming iwan, dahil alam mo kung saan kami puwedeng magkampo sa ilang, at maituturo mo sa amin ang daan.* 32 At kung sasama ka sa amin,+ anumang kabutihang ipakita sa amin ni Jehova ay ipapakita rin namin sa iyo.”
-