Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 at nagpadala si Jehova ng apoy+ na nagsimulang tumupok sa handog na sinusunog at sa mga piraso ng taba na nasa ibabaw ng altar. Nang makita iyon ng buong bayan, nagsigawan* sila at sumubsob sa lupa.+

  • Hukom 13:19, 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 At kinuha ni Manoa ang batang kambing at ang handog na mga butil at inihandog iyon sa ibabaw ng bato para kay Jehova. At Siya ay may ginagawang kamangha-mangha habang nakatingin si Manoa at ang asawa nito. 20 Habang pumapaitaas sa langit ang apoy mula sa altar, ang anghel ni Jehova ay pumaitaas kasama ng apoy samantalang nakatingin si Manoa at ang asawa niya. Agad silang sumubsob sa lupa.

  • 1 Hari 18:38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 38 At bumulusok ang apoy ni Jehova at tinupok ang handog na sinusunog,+ ang mga piraso ng kahoy, ang mga bato, at ang alabok, at tinuyo nito ang tubig na nasa hukay.+

  • 1 Cronica 21:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 At nagtayo roon si David ng isang altar+ para kay Jehova at naghandog ng mga haing sinusunog at mga haing pansalo-salo. Pagkatapos, tumawag siya kay Jehova, na sumagot sa kaniya sa pamamagitan ng apoy+ mula sa langit. At natupok ang handog na sinusunog sa ibabaw ng altar.

  • 2 Cronica 7:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Matapos manalangin si Solomon,+ may bumabang apoy mula sa langit+ at tinupok ang handog na sinusunog at ang mga hain, at ang bahay ay napuno ng kaluwalhatian ni Jehova.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share