-
Hukom 7:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 Nagsugo si Gideon ng mga mensahero sa buong mabundok na rehiyon ng Efraim para sabihin: “Bumaba kayo at salakayin ang Midian, at unahan ninyo sila sa Bet-bara at sa Ilog Jordan, at pabantayan ninyo ang mga tawiran nito.” Kaya nagsama-sama ang mga lalaki ng Efraim, at nauna sila sa Bet-bara at sa Ilog Jordan at pinabantayan ang mga tawiran nito. 25 Nabihag din nila ang dalawang matataas na opisyal ng Midian, sina Oreb at Zeeb; pinatay nila si Oreb sa bato ni Oreb,+ at pinatay nila si Zeeb sa pisaan ng ubas ni Zeeb. Patuloy nilang hinabol ang Midian,+ at ang ulo nina Oreb at Zeeb ay dinala nila kay Gideon sa rehiyon ng Jordan.
-