-
Hukom 17:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Sinabi ni Mikas sa kaniya: “Tagasaan ka?” Sumagot ito: “Isa akong Levita mula sa Betlehem ng Juda, at naghahanap ako ng matitirhan.” 10 Kaya sinabi ni Mikas sa kaniya: “Dito ka na tumira at gagawin kitang tagapayo* ko at saserdote. Bibigyan kita ng 10 pirasong pilak taon-taon at ng mga damit at pagkain.” Kaya pumasok ang Levita sa bahay.
-