Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 19:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Huwag kayong sasamba sa walang-silbing mga diyos+ o gagawa para sa inyong sarili ng mga diyos na yari sa tinunaw na metal.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova.

  • Deuteronomio 27:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 “‘Sumpain ang taong gumagawa at nagtatago ng inukit na imahen+ o ng metal na estatuwa,+ na gawa ng isang bihasang manggagawa,* isang bagay na kasuklam-suklam kay Jehova.’+ (At sasagot ang buong bayan, ‘Amen!’*)

  • Hukom 17:3-5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Isinauli niya ang 1,100 pirasong pilak sa kaniyang ina, pero sinabi ng kaniyang ina: “Ihahandog* ko ang pilak kay Jehova para magamit ng anak ko sa pagpapagawa ng inukit na imahen at isang metal na estatuwa.+ Magiging sa iyo ang pilak.”

      4 Pagkatapos niyang ibalik ang pilak sa kaniyang ina, kumuha ang kaniyang ina ng 200 pirasong pilak at ibinigay iyon sa panday-pilak. Gumawa ito ng isang inukit na imahen at isang metal na estatuwa; at inilagay ang mga iyon sa bahay ni Mikas. 5 Ang lalaking ito na si Mikas ay may isang bahay na may mga diyos; gumawa siya ng isang epod*+ at mga rebultong terapim*+ at inatasan niya ang* isa sa mga anak niya na maglingkod bilang saserdote para sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share