-
Josue 5:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Minsan, nang si Josue ay malapit sa Jerico, bigla siyang nakakita ng isang lalaking+ nakatayo sa harap niya na may hawak na espada.+ Nilapitan ito ni Josue at tinanong: “Kakampi ka ba namin o kalaban?” 14 Sumagot ito: “Hindi, kundi dumating ako bilang pinuno* ng hukbo ni Jehova.”+ Kaya sumubsob si Josue sa lupa tanda ng matinding paggalang at sinabi niya rito: “Ano ang sasabihin ng panginoon ko sa lingkod niya?”
-