-
Hukom 2:20-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 Kaya lumagablab ang galit ni Jehova laban sa Israel,+ at sinabi niya: “Dahil nilabag ng bansang ito ang ipinakipagtipan ko+ sa kanilang mga ninuno at sumuway sila sa akin,+ 21 hindi ko itataboy mula sa harap nila ang isa man sa mga bansa na naiwan ni Josue nang mamatay siya.+ 22 Sa gayon, masusubok kung ang Israel ay susunod sa daan ni Jehova+ sa pamamagitan ng paglakad doon gaya ng kanilang mga ninuno.” 23 Kaya hinayaan ni Jehova na manatili ang mga bansang ito. Hindi niya sila agad itinaboy, at hindi niya sila ibinigay sa kamay ni Josue.
-