Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 17:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Sinabi pa ng Diyos kay Abraham: “Kung tungkol sa iyo, tuparin mo ang aking tipan, ikaw at ang magiging mga supling* mo hanggang sa susunod pang mga henerasyon. 10 Ito ang tipan ko sa inyo, na dapat mong tuparin at ng magiging mga supling* mo: Ang bawat lalaki sa inyo ay dapat magpatuli.+

  • Hukom 14:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Pero sinabi sa kaniya ng kaniyang ama at ina: “Wala ka bang mahanap sa mga kamag-anak natin at kababayan?+ Kailangan mo pa bang kumuha ng asawa mula sa mga di-tuling Filisteo?” Pero sinabi ni Samson sa kaniyang ama: “Kunin mo siya para sa akin, dahil siya ang nababagay sa akin.”*

  • Hukom 15:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Pagkatapos, nauhaw siya nang husto, at tumawag siya kay Jehova at nagsabi: “Ikaw ang nagligtas sa iyong lingkod mula sa napakaraming kaaway. Pero ngayon ba ay mamamatay ako sa uhaw at mahuhulog sa kamay ng mga di-tuli?”

  • 1 Samuel 17:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 36 Parehong pinabagsak ng inyong lingkod ang leon at ang oso, at ang di-tuling Filisteong ito ay magiging gaya ng isa sa mga iyon, dahil ininsulto* niya ang hukbo ng Diyos na buháy.”+

  • 1 Cronica 10:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Kaya sinabi ni Saul sa tagapagdala niya ng sandata: “Hugutin mo ang espada mo at saksakin mo ako, para hindi ako mapahirapan ng mga di-tuling lalaking iyon.”+ Pero ayaw itong gawin ng tagapagdala niya ng sandata, dahil takot na takot ito. Kaya kinuha ni Saul ang espada at sinaksak ang sarili.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share