-
1 Samuel 19:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 At hinayaan ni Jehova na pangibabawan si Saul ng masamang kaisipan*+ noong nakaupo siya sa bahay niya at hawak ang kaniyang sibat, habang tumutugtog ng alpa si David.+ 10 Tinangka ni Saul na ituhog si David sa dingding sa pamamagitan ng sibat, pero nakailag ito, kaya sa dingding tumama ang sibat. Tumakas si David nang gabing iyon.
-