-
1 Samuel 20:19-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 Sa makalawa, lalo kang hahanapin. Pumunta ka sa lugar na ito na pinagtaguan mo dati* at huwag kang lalayo sa batong nandito. 20 Pagkatapos, papana ako ng tatlong palaso sa isang panig nito, na para bang may pinatatamaan ako. 21 Sasabihin ko sa tagapaglingkod, ‘Hanapin mo ang mga palaso.’ Kapag sinabi ko sa tagapaglingkod, ‘Nandiyan lang malapit sa iyo ang mga palaso, kunin mo,’ puwede ka nang bumalik, dahil tinitiyak ko, kung paanong buháy si Jehova, ligtas ka at walang panganib. 22 Pero kung sasabihin ko sa lalaki, ‘Nasa banda roon pa ang palaso,’ umalis ka na, dahil pinalalayo ka ni Jehova.
-