Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 18:6-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Tuwing magbabalik si David at ang mga kasama niya mula sa pagpapabagsak sa mga Filisteo, lumalabas ang mga babae mula sa lahat ng lunsod ng Israel. Masaya silang umaawit+ at sumasayaw sa pagsalubong kay Haring Saul, habang tumutugtog ng mga tamburin+ at laud.* 7 Ang mga babaeng nagdiriwang ay umaawit ng ganito:

      “Si Saul ay nagpabagsak ng libo-libo,

      At si David ay ng sampu-sampung libo.”+

      8 Dahil dito, galit na galit+ si Saul, at nainis siya sa awit na ito. Sinabi niya: “Sinabi nilang sampu-sampung libo ang pinabagsak ni David, pero ako, libo-libo lang. Kulang na lang, gawin nila siyang hari!”+

  • 1 Samuel 29:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Pero nagalit sa kaniya ang matataas na opisyal ng mga Filisteo, at sinabi nila sa kaniya: “Pabalikin mo siya.+ Pauwiin mo siya sa lugar na ibinigay mo sa kaniya. Huwag mo siyang pasamahin sa atin sa labanan. Baka kapag naglalabanan na, buweltahan tayo niyan.+ Ano ba ang pinakamagandang magagawa niya para matuwa ang panginoon niya kundi ang ibigay rito ang ulo ng mga tauhan natin? 5 Hindi ba tungkol kay David ang inaawit nila habang sumasayaw? Sinasabi nila:

      ‘Si Saul ay nagpabagsak ng libo-libo,

      At si David ay ng sampu-sampung libo.’”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share