-
1 Samuel 2:14-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 at itutusok niya iyon sa lutuan, sa kaldero na may dalawang hawakan, sa kawa, o sa kaldero na may isang hawakan. Anuman ang makuha ng tinidor ay kinukuha ng saserdote para sa sarili niya. Ganiyan ang ginagawa nila sa Shilo sa lahat ng Israelita na dumarating doon. 15 At bago pa mapausok ng taong naghahandog ang taba,+ isang tagapaglingkod ng saserdote ang dumarating at nagsasabi sa kaniya: “Magbigay ka sa saserdote ng karneng iihawin. Hindi siya tatanggap ng pinakuluang karne, kundi ng hilaw lang.” 16 Kapag sinabi sa kaniya ng naghahandog: “Hayaan mo munang mapausok nila ang taba,+ saka mo kunin ang anumang gusto mo,” sasabihin niya: “Hindi, ibigay mo na sa akin ngayon; kung hindi, kukunin ko iyan nang sapilitan!”
-