14 Pero ngayon, ang kaharian mo ay hindi magtatagal.+ Hahanap si Jehova ng isang lalaking kalugod-lugod sa puso niya,+ at siya ay gagawin ni Jehova na pinuno ng bayan niya,+ dahil hindi mo sinunod ang iniutos sa iyo ni Jehova.”+
8 Dahil dito, galit na galit+ si Saul, at nainis siya sa awit na ito. Sinabi niya: “Sinabi nilang sampu-sampung libo ang pinabagsak ni David, pero ako, libo-libo lang. Kulang na lang, gawin nila siyang hari!”+
31 Hangga’t nabubuhay ang anak ni Jesse sa ibabaw ng lupa, ikaw at ang iyong paghahari ay hindi magiging matatag.+ Kaya ipag-utos mo na dalhin siya sa akin, dahil dapat siyang mamatay.”*+
17 Sinabi niya rito: “Huwag kang matakot, dahil hindi ka makikita ng ama kong si Saul; ikaw ang magiging hari sa Israel,+ at ako ang magiging pangalawa sa iyo; at alam din iyan ng ama kong si Saul.”+