3 Kaya nakinig si Jehova sa Israel at ibinigay ang mga Canaanita sa kanila, at pinatay nila ang mga ito at winasak* ang mga lunsod nito. Kaya tinawag nilang Horma* ang lugar na iyon.+
19Sa ikalawang palabunutan,+ ang mana ay napunta kay Simeon,+ sa mga pamilya sa tribo ni Simeon. At ang kanilang mana ay nasa loob ng lupaing minana ng tribo ni Juda.+
17 Pero ang Juda, kasama ang Simeon na kapatid nito, ay sumalakay sa mga Canaanita na nakatira sa Zepat, at pinuksa nila ito.+ Kaya ang lunsod ay tinawag nilang Horma.*+