Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 2:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 Makinig ka! Darating ang panahon na aalisin ko ang lakas* mo at ng sambahayan ng iyong ninuno, para walang sinuman sa iyong sambahayan ang umabot sa katandaan.+

  • 1 Samuel 2:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 34 At para malaman mong totoo ang sinasabi ko sa iyo, ganito ang mangyayari sa dalawa mong anak na sina Hopni at Pinehas: Sa iisang araw ay pareho silang mamamatay.+

  • 1 Samuel 4:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Pagbalik ng bayan sa kampo, sinabi ng matatandang lalaki ng Israel: “Bakit hinayaan ngayon ni Jehova na matalo tayo ng mga Filisteo?*+ Kunin natin sa Shilo ang kaban ng tipan ni Jehova+ at dalhin natin iyon para mailigtas tayo sa kamay ng mga kaaway natin.”

  • 1 Samuel 4:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Sinabi ng tagapaghatid ng balita: “Tumakas ang Israel mula sa mga Filisteo, dahil natalo ang Israel at marami po ang namatay sa bayan;+ pati ang dalawang anak ninyo, sina Hopni at Pinehas, ay namatay rin,+ at ang Kaban ng tunay na Diyos ay nakuha ng kaaway.”+

  • Awit 78:61
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 61 Hinayaan niyang mabihag ang simbolo ng kaniyang lakas;

      Hinayaan niyang mapasakamay ng kalaban ang karilagan niya.+

  • Awit 78:64
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 64 Namatay sa espada ang mga saserdote niya,+

      At hindi umiyak ang mga biyuda nila.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share