-
1 Cronica 14:10-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 Nagtanong si David sa Diyos: “Lalaban ba ako sa mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ko?” Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Lumaban ka, dahil ibibigay ko sila sa kamay mo.”+ 11 Kaya pumunta si David sa Baal-perazim+ at pinabagsak niya sila roon. At sinabi ni David: “Sa pamamagitan ng kamay ko, pinabagsak ng tunay na Diyos ang mga kaaway ko, gaya ng pader na nawasak dahil sa tubig.” Kaya tinawag nila ang lugar na iyon na Baal-perazim.* 12 Iniwan doon ng mga Filisteo ang mga idolo nila. At sinunog ang mga iyon nang ipag-utos ito ni David.+
-