-
1 Cronica 13:1-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Sumangguni si David sa mga pinuno ng libo-libo at ng daan-daan at sa bawat lider.+ 2 Pagkatapos, sinabi ni David sa buong kongregasyon ng Israel: “Kung mabuti sa tingin ninyo at kalugod-lugod kay Jehova na ating Diyos, magpadala tayo ng mensahe sa iba pa nating kapatid sa lahat ng rehiyon ng Israel at sa mga saserdote at mga Levita sa mga lunsod nila+ na may mga pastulan para papuntahin sila rito at makiisa sa atin. 3 At ibalik natin ang Kaban+ ng ating Diyos.” Dahil napabayaan nila ito noong panahon ni Saul.+ 4 Sumang-ayon ang lahat na gawin iyon, dahil sa tingin ng buong bayan, iyon ang tama. 5 Kaya tinipon ni David ang buong Israel, mula sa ilog* ng Ehipto hanggang sa Lebo-hamat,*+ para kunin ang Kaban ng tunay na Diyos mula sa Kiriat-jearim.+
-