-
1 Hari 8:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 Gusto ng ama kong si David na magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel.+ 18 Pero sinabi ni Jehova sa ama kong si David, ‘Gusto mo akong ipagtayo ng bahay para sa pangalan ko, at maganda ang hangarin mo. 19 Pero hindi ikaw ang magtatayo ng bahay. Ang magiging anak mo* ang magtatayo ng bahay para sa pangalan ko.’+
-
-
1 Cronica 17:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 “Sabihin mo sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Hindi ikaw ang magtatayo ng bahay na titirhan ko.+ 5 Mula noong ilabas ko ang Israel, hindi pa ako nanirahan sa isang bahay, kundi nagpapalipat-lipat ako ng tolda at ng tabernakulo.*+ 6 Sa buong panahong kasama ako ng Israel, sinabi ko ba sa sinumang hukom ng Israel na inatasan kong magpastol sa bayan ko, ‘Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng bahay na gawa sa sedro?’”’
-
-
1 Cronica 22:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Sinabi ni David sa anak niyang si Solomon: “Gustong-gusto kong magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na aking Diyos.+ 8 Pero sinabi sa akin ni Jehova: ‘Nagpadanak ka ng maraming dugo, at nakipaglaban ka sa malalaking digmaan. Hindi ka magtatayo ng bahay para sa pangalan ko,+ dahil nagpadanak ka ng maraming dugo sa lupa sa harap ko.
-