Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 19:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Dahil mahal na mahal si David ng anak ni Saul na si Jonatan,+ sinabi ni Jonatan kay David: “Gusto kang ipapatay ng ama kong si Saul. Pakisuyo, mag-ingat ka bukas ng umaga. Magtago ka sa isang lugar at manatili roon.

  • 1 Samuel 20:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Kaya ipinaulit ni Jonatan kay David ang pangako ng pagmamahal nito sa kaniya, dahil mahal niya ito gaya ng pagmamahal niya sa kaniyang sarili.+

  • 1 Samuel 20:41
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 41 Pag-alis ng tagapaglingkod, lumabas si David sa kinaroroonan niya sa malapit, sa bandang timog. Pagkatapos ay isinubsob niya ang kaniyang mukha sa lupa at yumukod siya nang tatlong ulit, at hinalikan nila ang isa’t isa at iniyakan ang isa’t isa, pero mas matindi ang pag-iyak ni David.

  • 1 Samuel 23:16-18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Si Jonatan na anak ni Saul ay pumunta kay David sa Hores, at pinatibay niya ang pagtitiwala* nito kay Jehova.+ 17 Sinabi niya rito: “Huwag kang matakot, dahil hindi ka makikita ng ama kong si Saul; ikaw ang magiging hari sa Israel,+ at ako ang magiging pangalawa sa iyo; at alam din iyan ng ama kong si Saul.”+ 18 Pagkatapos, gumawa sila ng tipan+ sa harap ni Jehova, at nanatili si David sa Hores, at si Jonatan naman ay umuwi sa bahay niya.

  • Kawikaan 17:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon+

      At isang kapatid na maaasahan kapag may problema.*+

  • Kawikaan 18:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 May magkakasamang ipinapahamak ang isa’t isa,+

      Pero may kaibigang mas malapít pa kaysa sa isang kapatid.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share