23 At sinabi ni Jehova sa kaniya: “Dalawang bansa ang nasa iyong sinapupunan,+ at dalawang magkaibang bayan ang magmumula sa iyo;+ at ang isang bansa ay magiging mas malakas kaysa sa isang bansa,+ at ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata.”+
26 Pagkatapos, lumabas ang kapatid niya at ang kamay nito ay nakahawak sa sakong ni Esau,+ kaya pinangalanan niya itong Jacob.*+ Si Isaac ay 60 taóng gulang nang magsilang ang asawa niya.
29 Maglingkod nawa sa iyo ang mga bayan, at yumukod nawa sa iyo ang mga bansa. Maging panginoon ka sa iyong mga kapatid, at yumukod nawa sa iyo ang mga anak ng iyong ina.+ Sumpain ang lahat ng sumusumpa sa iyo, at pagpalain ang lahat ng humihiling na pagpalain ka ng Diyos.”+
37 Sumagot si Isaac kay Esau: “Inatasan ko na siya bilang panginoon mo,+ ibinigay ko na sa kaniya ang lahat ng kapatid niya bilang mga lingkod, at ibinigay ko na ang butil at bagong alak bilang panustos niya.+ Kaya ano pa ang maibibigay ko sa iyo, anak ko?”