-
1 Cronica 19:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Nang malaman ng mga Ammonita na galit na galit sa kanila si David, nagpadala si Hanun at ang mga Ammonita ng 1,000 talento* ng pilak para umupa ng mga karwahe at mga mangangabayo mula sa Mesopotamia,* Aram-maaca, at Zoba.+ 7 Umupa sila ng 32,000 karwahe, kasama ang hari ng Maaca at ang bayan niya. Pagkatapos, pumunta sila sa harap ng Medeba+ at nagkampo roon. Nagtipon-tipon ang mga Ammonita mula sa mga lunsod nila at naghanda para makipagdigma.
-