24 Karagdagan pa, ang tribo ni Gad, ang mga Gadita, ay binigyan ni Moises ng mana na hinati sa kani-kanilang pamilya, 25 at kasama sa teritoryo nila ang Jazer+ at ang lahat ng lunsod ng Gilead at ang kalahati ng lupain ng mga Ammonita+ hanggang sa Aroer, na nasa tapat ng Raba;+