-
1 Cronica 20:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 Pagkatapos, kinuha ni David ang korona ni Malcam mula sa ulo nito, at nalaman niyang isang talento* ng ginto ang bigat nito at ito ay may mamahaling mga bato; at inilagay ito sa ulo ni David. Kumuha rin siya ng napakaraming samsam mula sa lunsod.+ 3 At kinuha niya ang mga tagaroon at pinaglagari sila ng mga bato at pinagtrabaho+ gamit ang matatalas na kasangkapang bakal at mga palakol. Ganito ang ginawa ni David sa lahat ng lunsod ng mga Ammonita. Bandang huli, si David at ang lahat ng sundalo ay bumalik sa Jerusalem.
-