31 Si Barzilai+ na Gileadita ay umalis sa Rogelim papunta sa Jordan para samahan ang hari sa Ilog Jordan. 32 Napakatanda na ni Barzilai, 80 taóng gulang na, at naglaan siya ng pagkain sa hari habang nakatira ito sa Mahanaim,+ dahil napakayaman niya.
7 “Pero magpakita ka ng tapat na pag-ibig sa mga anak ni Barzilai+ na Gileadita, at isama mo sila sa mga kakain sa iyong mesa, dahil sa ganoong paraan nila ako sinuportahan+ nang tumakas ako mula sa kapatid mong si Absalom.+