-
1 Cronica 3:1-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Ito ang mga naging anak ni David sa Hebron:+ ang panganay na si Amnon,+ na anak niya kay Ahinoam+ ng Jezreel; ang ikalawa, si Daniel, na anak niya kay Abigail+ na Carmelita; 2 ang ikatlo, si Absalom+ na anak ni Maaca na anak ni Talmai na hari ng Gesur; ang ikaapat, si Adonias+ na anak ni Hagit; 3 ang ikalima, si Sepatias, na anak niya kay Abital; ang ikaanim, si Itream, na anak ni David sa asawa niyang si Egla. 4 Ang anim na ito ang mga naging anak niya sa Hebron; namahala siya roon nang 7 taon at 6 na buwan, at namahala siya sa Jerusalem nang 33 taon.+
-