-
2 Samuel 21:8-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Kaya kinuha ng hari sina Armoni at Mepiboset, ang dalawang anak ni Saul kay Rizpa+ na anak ni Aias, at ang limang apo ni Saul sa anak niyang si Mical*+ at sa asawa nitong si Adriel+ na anak ni Barzilai na Meholatita. 9 Pagkatapos, ibinigay niya ang mga ito sa mga Gibeonita, at ibinitin nila ang bangkay ng mga ito sa bundok sa harap ni Jehova.+ Sama-samang namatay ang pitong ito; pinatay sila noong mga unang araw ng pag-aani, sa pasimula ng pag-aani ng sebada. 10 Pagkatapos, si Rizpa+ na anak ni Aias ay kumuha ng telang-sako at inilatag iyon sa ibabaw ng bato mula sa pasimula ng pag-aani hanggang sa bumuhos ang ulan sa mga bangkay; hindi niya hinayaang dapuan ang mga ito ng mga ibon sa himpapawid kung araw o lapitan ng mga hayop sa parang kung gabi.
11 Iniulat kay David ang ginawa ni Rizpa, na pangalawahing asawa ni Saul at anak ni Aias.
-