Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 6:3-11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Pagkatapos, humarap ang hari sa buong kongregasyon ng Israel at pinagpala niya sila samantalang sila ay nakatayo.+ 4 Sinabi niya: “Purihin nawa si Jehova na Diyos ng Israel, ang nangako sa ama kong si David at tumupad sa pangako niya sa pamamagitan ng sarili niyang mga kamay. Sinabi niya, 5 ‘Mula nang araw na ilabas ko mula sa Ehipto ang bayan ko, hindi ako pumili ng lunsod mula sa lahat ng tribo ng Israel na pagtatayuan ng isang bahay kung saan mananatili ang pangalan ko,+ at hindi ako pumili ng lalaking mamamahala sa bayan kong Israel. 6 Pero ngayon ay pinili ko ang Jerusalem+ para manatili roon ang pangalan ko, at pinili ko si David para mamahala sa bayan kong Israel.’+ 7 Gusto ng ama kong si David na magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel.+ 8 Pero sinabi ni Jehova sa ama kong si David, ‘Gusto mo akong ipagtayo ng bahay para sa pangalan ko, at maganda ang hangarin mo. 9 Pero hindi ikaw ang magtatayo ng bahay. Ang magiging anak mo* ang magtatayo ng bahay para sa pangalan ko.’+ 10 Tinupad ni Jehova ang ipinangako niya, dahil ako ang pumalit sa ama kong si David at umupo sa trono ng Israel,+ gaya ng pangako ni Jehova.+ Naitayo ko rin ang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel, 11 at inilagay ko roon ang Kaban na naglalaman ng tipan+ ni Jehova sa bayang Israel.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share