-
2 Cronica 10:1-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 Pumunta si Rehoboam sa Sikem+ dahil nagtipon doon ang buong Israel para gawin siyang hari.+ 2 Nang mabalitaan iyon ni Jeroboam+ na anak ni Nebat (nasa Ehipto pa rin siya dahil tumakas siya kay Haring Solomon),+ bumalik agad si Jeroboam mula sa Ehipto. 3 Pagkatapos, ipinatawag nila siya, at pumunta si Jeroboam at ang buong Israel kay Rehoboam at nagsabi: 4 “Mabigat ang pasan* na ibinigay sa amin ng iyong ama.+ Pero kung pagagaanin mo ang mahirap na paglilingkod na ipinagawa ng iyong ama at ang mabigat* na pasan na ibinigay niya sa amin, maglilingkod kami sa iyo.”
-