Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Ang sinumang pumatay* ng tao ay papatayin din ng tao,+ dahil ang tao ay ginawa ng Diyos ayon sa Kaniyang larawan.+

  • Exodo 21:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Kung galit na galit ang isang tao sa kaniyang kapuwa at sadya niya itong pinatay,+ dapat mamatay ang taong iyon kahit kailangan mo pa siyang kunin mula sa aking altar.+

  • Bilang 35:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 33 “‘Huwag ninyong parurumihin ang lupaing tinitirhan ninyo, dahil naparurumi ng dugo ang lupain,+ at walang ibang pambayad-sala para sa dugo ng taong pinatay sa lupain maliban sa dugo ng taong pumatay rito.+

  • Deuteronomio 19:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Hindi kayo dapat maawa* sa kaniya, at dapat ninyong alisin sa Israel ang pagkakasala dahil sa pagpatay sa* isang inosenteng tao,+ para mapabuti kayo.

  • 1 Hari 2:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 “Alam na alam mo rin ang ginawa sa akin ni Joab na anak ni Zeruias, ang ginawa niya sa dalawang pinuno ng mga hukbo ng Israel—kay Abner+ na anak ni Ner at kay Amasa+ na anak ni Jeter. Pinatay niya sila+ sa panahon ng kapayapaan, at binahiran niya ng dugo ng digmaan ang sinturon niya sa balakang at ang mga sandalyas niya sa paa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share