Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 29 Kaya magagawa ninyong kainin ang laman ng inyong mga anak na lalaki, at kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na babae.+

  • Deuteronomio 28:53-57
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 53 Kaya kakainin ninyo ang sarili ninyong anak,* ang laman ng mga anak ninyong lalaki at babae+ na ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, dahil sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng kaaway ninyo.

      54 “Kahit ang pinakamaselan at pihikang lalaki sa inyo ay hindi maaawa sa kaniyang kapatid o mahal na asawa o buháy pang anak, 55 at hindi siya mamimigay ng laman ng kaniyang anak na kakainin niya, dahil wala nang matitira sa kaniya sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng inyong kaaway sa mga lunsod ninyo.+ 56 At ang maselan at pihikang babae sa inyo na hindi man lang maisayad sa lupa ang paa niya dahil sa sobrang selan+ ay hindi maaawa sa kaniyang mahal na asawa o sa anak niyang lalaki o babae, 57 kahit pa sa inunan na lumabas sa sinapupunan* niya at sa anak na isinilang niya. Palihim niyang kakainin ang mga ito dahil sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng inyong kaaway sa lunsod ninyo.

  • Ezekiel 5:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 “‘“Kaya kakainin ng mga ama sa gitna mo ang mga anak nila,+ at kakainin ng mga anak ang mga ama nila, at maglalapat ako ng hatol sa gitna mo at pangangalatin ko ang iba pa sa iyo sa lahat ng direksiyon.”’*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share