-
1 Hari 16:15-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Nang ika-27 taon ni Haring Asa ng Juda, naging hari si Zimri sa loob ng pitong araw sa Tirza habang nagkakampo ang mga sundalo laban sa Gibeton,+ na sakop ng mga Filisteo. 16 Nabalitaan ng nagkakampong mga sundalo na nakipagsabuwatan si Zimri at pinatay nito ang hari. Kaya nang araw na iyon sa kampo, si Omri+ na pinuno ng hukbo ay iniluklok ng buong Israel bilang hari nila. 17 Umalis ng Gibeton si Omri at ang lahat ng kasama niyang Israelita at pinalibutan nila ang Tirza. 18 Nang makita ni Zimri na nasakop ang lunsod, nagpunta siya sa matibay na tore ng bahay* ng hari at sinunog niya ang bahay habang nasa loob siya, at namatay siya.+ 19 Dahil ito sa mga kasalanan niya nang gawin niya ang masama sa paningin ni Jehova sa pamamagitan ng pagtulad kay Jeroboam at dahil pinagkasala niya ang Israel.+
-