Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 23:8-11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Ginawa ng mga Levita at ng buong Juda ang lahat ng iniutos ng saserdoteng si Jehoiada. Tinawag nilang lahat ang kani-kanilang mga tauhan na naglilingkod kapag Sabbath, pati ang mga hindi nakatakdang maglingkod kapag Sabbath,+ dahil hindi pinauwi ng saserdoteng si Jehoiada ang mga pangkat+ kahit tapos na sila sa tungkulin nila. 9 Pagkatapos, ibinigay ng saserdoteng si Jehoiada sa mga pinuno ng daan-daan+ ang mga sibat at ang mga pansalag* at ang bilog na mga kalasag na naging pag-aari ni Haring David+ at nasa bahay ng tunay na Diyos.+ 10 At ipinuwesto niya ang taumbayan, hawak ang kani-kaniyang sandata,* mula sa kanang panig ng bahay hanggang sa kaliwang panig ng bahay, malapit sa altar at sa bahay, sa palibot ng hari. 11 Pagkatapos, inilabas nila ang anak ng hari+ at inilagay sa ulo niya ang korona* at ang Patotoo*+ at ginawa siyang hari, at pinahiran siya ng langis ni Jehoiada at ng mga anak nito. Pagkatapos, sinabi nila: “Mabuhay ang hari!”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share