Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 23:12-15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Nang marinig ni Athalia ang ingay ng mga taong nagtatakbuhan at pumupuri sa hari, agad siyang pumunta sa mga tao sa bahay ni Jehova.+ 13 At nakita niya ang hari na nakatayo sa tabi ng haligi* sa pasukan. Kasama ng hari ang matataas na opisyal+ at ang mga tagahihip ng trumpeta, at ang buong bayan ay nagsasaya+ at humihihip ng mga trumpeta, at ang mga mang-aawit na may mga instrumentong pangmusika ang nangunguna* sa pagpuri. Pinunit ni Athalia ang kaniyang damit at sumigaw: “Sabuwatan! Sabuwatan!” 14 Pero tinawag ng saserdoteng si Jehoiada ang mga pinuno ng daan-daan, ang mga inatasang manguna sa hukbo, at sinabi sa kanila: “Ilabas ninyo siya mula sa hanay ng mga sundalo, at patayin ninyo sa pamamagitan ng espada ang sinumang susunod sa kaniya!” Dahil sinabi ng saserdote: “Huwag ninyo siyang patayin sa bahay ni Jehova.” 15 Kaya sinunggaban nila siya, at nang madala nila siya sa pasukan ng Pintuang-Daan ng mga Kabayo sa bahay* ng hari, agad nila siyang pinatay roon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share