19 Kaya umalis siya roon at nakita niya si Eliseo na anak ni Sapat habang nag-aararo ito. Nasa unahan ni Eliseo ang 12 pares ng toro, at naroon si Eliseo sa ika-12 pares. Nilapitan siya ni Elias at inihagis sa kaniya ang opisyal na damit nito.+
8 Kaya sinabi nila sa kaniya: “Ang lalaki ay may damit na gawa sa balahibo ng hayop+ at sinturong gawa sa katad.”*+ Agad niyang sinabi: “Si Elias iyon na Tisbita.”
4 “Sa araw na iyon, ikahihiya ng bawat isa sa mga propeta ang kaniyang pangitain kapag nanghuhula siya; at hindi sila magbibihis ng opisyal na damit na gawa sa balahibo ng hayop+ para manlinlang.
4 Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at may sinturon siyang gawa sa balat ng hayop.+ Ang pagkain naman niya ay balang+ at pulot-pukyutang galing sa gubat.+