24 Pitong taóng gulang si Jehoas nang maging hari siya,+ at 40 taon siyang namahala sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Zibia na mula sa Beer-sheba.+ 2 Patuloy na ginawa ni Jehoas ang tama sa paningin ni Jehova habang nabubuhay ang saserdoteng si Jehoiada.+