-
2 Hari 22:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 “Pumunta ka sa mataas na saserdoteng si Hilkias,+ at ipakolekta mo sa kaniya ang lahat ng perang dinadala sa bahay ni Jehova,+ na kinolekta mula sa mga tao ng mga bantay sa pinto.+ 5 Ibibigay nila iyon sa mga inatasang mangasiwa sa gawain sa bahay ni Jehova. Ibibigay naman ng mga ito ang pera sa mga magkukumpuni sa mga sira* sa bahay ni Jehova,+ 6 sa mga bihasang manggagawa, sa mga tagapagtayo, at sa mga mason; at ipambibili nila ito ng kahoy at mga batong tinabas na gagamitin sa pagkukumpuni sa bahay.+
-