-
2 Hari 18:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Nang ikaapat na taon ni Haring Hezekias, na ikapitong taon ng hari ng Israel na si Hosea+ na anak ni Elah, si Haring Salmaneser ng Asirya ay sumalakay sa Samaria at pinalibutan iyon ng hukbo niya.+ 10 Nasakop nila iyon+ pagkalipas ng halos tatlong taon; nang ikaanim na taon ni Hezekias, na ikasiyam na taon ni Haring Hosea ng Israel, nasakop ang Samaria. 11 Pagkatapos, ipinatapon ng hari ng Asirya ang mga Israelita+ sa Asirya at pinatira sila sa Hala at sa Habor sa ilog ng Gozan at sa mga lunsod ng mga Medo.+
-