Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 32:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 “Ito ang sinabi ni Haring Senakerib ng Asirya, ‘Saan ba kayo nagtitiwala at ayaw pa rin ninyong umalis kahit napapalibutan na ang Jerusalem?+

  • Isaias 36:4-10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Kaya sinabi ng Rabsases sa kanila: “Pakisuyo, sabihin ninyo kay Hezekias, ‘Ito ang sinabi ng dakilang hari, ang hari ng Asirya: “Ano ang ipinagmamalaki mo?+ 5 Sinasabi mo, ‘Alam ko ang gagawin ko at kaya kong makipagdigma,’ pero hindi totoo iyan. Kanino ka ba umaasa at ang lakas ng loob mong magrebelde sa akin?+ 6 Nagtitiwala ka sa tulong ng baling tambong ito, ang Ehipto. Matutusok ang palad ng sinumang tutukod dito. Ganiyan ang Paraon na hari ng Ehipto sa lahat ng nagtitiwala sa kaniya.+ 7 At kung sasabihin ninyo sa akin, ‘Nagtitiwala kami kay Jehova na aming Diyos,’ hindi ba sa kaniya ang matataas na lugar at ang mga altar na inalis ni Hezekias,+ at sinasabi niya sa Juda at sa Jerusalem, ‘Dapat kayong yumukod sa altar na ito’?”’+ 8 Pakisuyo, makipagpustahan ka sa panginoon kong hari ng Asirya:+ Bibigyan kita ng 2,000 kabayo kung may mapapasakay ka sa lahat ng ito. 9 Paano mo mapauurong ang kahit isang gobernador na pinakamababa sa mga lingkod ng panginoon ko, gayong umaasa ka lang sa Ehipto para sa mga karwahe at mangangabayo? 10 Wala bang pahintulot ni Jehova ang pagpunta ko sa lupaing ito para wasakin ito? Si Jehova mismo ang nagsabi sa akin, ‘Pumunta ka sa lupaing ito at wasakin mo ito.’”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share