-
Isaias 37:8-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Matapos marinig ng Rabsases na ang hari ng Asirya ay umalis na sa Lakis, bumalik siya sa hari at nakita itong nakikipagdigma sa Libna.+ 9 May nag-ulat sa hari tungkol kay Haring Tirhaka ng Etiopia: “Parating na siya para makipagdigma sa iyo.” Nang marinig niya ito, nagpadala siya ulit ng mga mensahero kay Hezekias.+ Sinabi niya sa mga ito: 10 “Ito ang sasabihin ninyo kay Haring Hezekias ng Juda, ‘Huwag kang magpaloko sa pinagtitiwalaan mong Diyos na nagsasabi sa iyo: “Ang Jerusalem ay hindi ibibigay sa kamay ng hari ng Asirya.”+ 11 Nabalitaan mo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asirya sa lahat ng bansa—pinuksa nila ang mga iyon.+ Sa tingin mo ba, makaliligtas ka? 12 Iniligtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa na winasak ng mga ninuno ko?+ Nasaan ang Gozan, ang Haran,+ ang Rezep, at ang mga taga-Eden na nasa Tel-asar? 13 Nasaan ang hari ng Hamat, ang hari ng Arpad, at ang hari ng mga lunsod ng Separvaim,+ at ng Hena, at ng Iva?’”
-