Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 8:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 30 At pakinggan mo ang kahilingan ng iyong lingkod at ang kahilingan ng bayan mong Israel na idinadalangin nila nang nakaharap sa lugar na ito, at makinig ka nawa mula sa tirahan mo sa langit;+ oo, makinig ka nawa at magpatawad.+

  • Isaias 37:14-20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Kinuha ni Hezekias ang mga liham mula sa mga mensahero at binasa ang mga iyon. Pagkatapos, pumunta si Hezekias sa bahay ni Jehova at inilatag ang mga iyon* sa harap ni Jehova.+ 15 At nanalangin si Hezekias kay Jehova:+ 16 “O Jehova ng mga hukbo,+ ang Diyos ng Israel, na nakaupo sa trono sa ibabaw* ng mga kerubin, ikaw lang ang tunay na Diyos ng lahat ng kaharian sa lupa. Ikaw ang gumawa ng langit at ng lupa. 17 O Jehova, pakinggan mo ako!+ Buksan mo ang mga mata mo, O Jehova, at tingnan mo!+ Pakinggan mo ang mensaheng ipinadala ni Senakerib para insultuhin ang Diyos na buháy.+ 18 Totoo, O Jehova, na nawasak ng mga hari ng Asirya ang lahat ng lupain,+ pati ang sarili nilang lupain. 19 At naihagis nila sa apoy ang mga diyos ng mga ito,+ dahil hindi diyos ang mga iyon kundi mga gawa ng kamay ng tao,+ mga kahoy at bato. Kaya nawasak nila ang mga iyon. 20 Pero ngayon, O Jehova na aming Diyos, iligtas mo kami mula sa kamay niya, para malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw lang ang Diyos, O Jehova.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share