9 Dahil ang mga mata ni Jehova ay nagmamasid nang mabuti sa buong lupa+ para ipakita niya ang kaniyang lakas* alang-alang sa nagbibigay ng buong puso nila sa kaniya.+ Kamangmangan ang ginawa mo; mula ngayon ay may mga makikipagdigma sa iyo.”+
18 O Diyos ko, makinig ka sana! Idilat mo ang iyong mga mata at tingnan ang aming paghihirap at ang tiwangwang na lunsod na tinatawag sa iyong pangalan; nakikiusap kami sa iyo hindi dahil sa aming matuwid na mga gawa, kundi dahil napakamaawain mo.+